Transcription
[Musika] Isang magandang umaga po sa ating lahat. Narito ang latest na weather update ngayong araw ng Thursday, March 20, 2025. Sa kasalukuyan po ay patuloy pa rin ang pag-iral ng Amihan sa malaking bahagi po ng Luzon, at yung shear line naman, o ang pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin, ay patuloy pa rin ang epekto, lalong-lalo na dito po sa may eastern sections ng Visayas.
Kung makikita po natin dito sa ating latest na satellite animation, may namamataan po tayong makakapal na kumpol na kaulapan na nakakaapekto dito po sa may bahagi ng Visayas at ilang bahagi po ng MIMAROPA, as well as sa Bicol Region area. Yang kumpol na kaulapan po na yan ay dulot ng epekto ng shear line. Kaya especially po sa areas ng Eastern Visayas, as well as ilang bahagi po ng Bicol Region, ay asahan po natin ang malalakas na buhos ng ulan ngayong araw. Meanwhile, for the rest of Visayas, magiging maulan din po ang panahon, pati na rin po sa karatig na mga probinsya.
Meanwhile, dito naman po sa eastern sections ng Luzon, makakaranas din po tayo ng maulan na panahon dulot po ng tuloy-tuloy na epekto ng hanging Amihan. And dito naman po sa Metro Manila, as well as the rest of Luzon area, ay asahan pa rin po natin ang partly cloudy to cloudy conditions. Kung may mga pag-ulan man, ay mga panandalian lamang po ito na pagbuhos ng ulan, at possible din po yung mga isolated na thunderstorms. For the rest of the country, meanwhile, kung makikita po natin dito sa ating latest satellite animation, inaasahan po natin sa mga susunod na araw na magpapatuloy pa rin ang epekto ng shear line sa may bahagi ng Visayas, as well as sa Bicol region. Kaya doble ingat po sa ating mga kababayan dahil posible po yung mga pagbaha o pagguho ng lupa dahil yung mga pag-ulan po na ito ay posible pong tumagal hanggang sa darating na weekend.
So, magiging lagay po ng panahon ngayong araw dito po sa Luzon, gaya po ng nabanggit natin kanina, dahil sa patuloy na pag-iral ng Amihan sa Luzon area, mostly eastern sections po ng Luzon, ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan. So, areas po ng Cagayan Valley, Isabela, Aurora, Quezon, most parts of Bicol Region, pati na rin po dito sa may Sorsogon at Masbate na naapektuhan ng shear line, asahan po natin ang maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan. Meanwhile, for Metro Manila, as well as for the rest of Luzon, ay partly cloudy to cloudy conditions po tayo. Kung may mga pag-ulan man, ay mabilisan lamang po ito, na mahihinang mga pag-ulan o mga pag-ambon.
Temperature forecast naman po para sa mga piling siyudad dito sa Luzon: for Dagupan, ay maglalaro ng 23 hanggang 31° Cel, and maximum temperatures po for Tuguegarao, Tagaytay, as well as sa Legaspi City, ay aabot ng 29° Cel. Dito po sa Baguio, temperature forecast po natin ay nasa 15 to 24° Cel, at for Metro Manila, maximum temperatures po ay aabot ng 32° Cel. Sa magiging lagay naman po ng panahon for the rest of the country, dahil po sa patuloy na epekto ng shear line, asahan po natin ang buong Visayas ay makakaranas ng maulan na panahon, as well as dito po sa may northeastern portion ng Mindanao, diyan po sa Caraga Region. Meanwhile, for Palawan and the rest of Mindanao, partly cloudy to cloudy conditions po tayo. Kung may mga pag-ulan man, ay dulot po ito ng mga isolated na thunderstorms.
Babala lamang po dito sa may western sections ng Mindanao, diyan po sa may Zamboanga area, as well as sa Basilan, Sulu, at Tawi-tawi, mataas po ang posibilidad, posibilidad ng mga thunderstorms ngayong umaga. At pagdating naman po ng tanghali, or noon time, sa may southern portion naman ng Palawan, ay mataas din po ang possibility ng mga thunderstorms. Temperature forecast naman po para sa mga piling siyudad: for Kalayaan Islands and Puerto Princesa, aabot po ng 33° Celsius maximum temperatures. For Visayas naman, temperatures dito po sa Iloilo ay maglalaro mula 25 hanggang 31° Cel, at 30° Cel naman maximum temperatures for Cebu at sa Tacloban. For Mindanao area naman po, sa Zamboanga, as well as sa Metro Davao, maximum temperatures po ay aabot ng 33° Cel, at sa Cagayan de Oro ay maglalaro ng 25 hanggang 31° C.
Dahil po sa epekto ng shear line, ayon po sa ating latest na weather advisory, aasahan po natin ang malalakas na pagbuhos ng ulan, lalong-lalo na po sa may bahagi ng Eastern Visayas and ilang portions, or southern portion, ng Bicol Region. So, possible pong maranasan ang moderate to intense na mga pag-ulan sa susunod na 24 oras dito po sa may bahagi ng Eastern Visayas. Yung accumulated rainfall po sa susunod na 24 oras, posible po yung umabot ng 100 to 200 millimeters diyan po sa may bahagi ng Eastern Visayas. At yan pong area na shaded ng yellow, ah, particularly diyan po sa Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte, maaaring maranasan din po yung 50 to 100 mm total rainfall sa susunod na 24 oras. So, itong mga areas po na shaded ng yellow at orange, maaaring maranasan po ang mga pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa malalakas na pagbuhos ng ulan dala ng shear line. So, doble ingat po sa ating mga kababayan at manatili po tayong mag-aabang ng mga heavy rainfall warnings na nilalabas po ng ating PAGASA Regional Services Division. For dito po sa Bicol Region and Northern Samar, abangan na lang po yung mga heavy rainfall warnings na nilalabas ng Southern Luzon PRSD. And for Visayas naman, abangan yung mga heavy rainfall warnings na ini-issue ng Visayas PRSD.
Bukas naman po, ayon sa ating latest na weather advisory as of 5:00 AM, magpapatuloy pa rin yung malalakas na pagbuhos ng ulan. Possible pa rin po yung heavy to intense na mga pag-ulan sa Northern Samar, at yung areas na shaded ng yellow, posible pa ring maranasan ang moderate to heavy na mga pag-ulan diyan po sa Sorsogon, sa Eastern Samar, Biliran, pati na rin po sa Leyte. Kaya doble ingat po sa ating mga kababayan diyan. Samantala lang, sa pagtaya naman po ng heat index, kahapon po ay naitala ang 35 to 36 degrees Cel heat indices dito po sa Metro Manila. At yung pinakamataas naman po sa buong bansa ay naranasan sa Puerto Princesa City, Palawan, na umabot po ng 42 degrees Cel. Sinusundan po yan ng Cotabato City, Maguindanao, na umabot ng 41 degrees Cel. At ngayong araw, ayon po sa ating forecast for Metro Manila, ang heat index po natin maaaring umabot ng 36 hanggang 37° Cel. At yung pinakamataas naman po ngayong araw sa buong bansa ay posible pa ring maranasan sa Puerto Princesa City, Palawan, na maaaring umabot ng 42 degrees Cel, at sinusundan naman po yan ng 41 degrees Cel sa Coron, Palawan, gayon din sa Cotabato City, Maguindanao.
Sa kalagayan naman po ng ating karagatan, nananatili pa rin pong nakataas ang gale warning sa mga dagat, baybayin po ng Ilocos Norte at dito po sa silangang dagat baybayin ng Southern Luzon at Visayas. Yung area po na shaded ng ah, red, maaaring maranasan po yung 2.8 to 4.5 m na taas na mga pag-alon diyan po sa eastern, western coast ng Ilocos Norte, northern at eastern coast ng Catanduanes, eastern coast ng Albay, eastern coast ng Sorsogon, northern at eastern coast ng Northern Samar, at sa silangang dagat baybayin po ng Eastern Samar. Delikado pong pumalaot, especially sa mga kababayan po natin na may mga maliit na sasakyang pandagat dito po sa mga nabanggit na dagat baybayin. Sunrise po natin ngayong umaga ay 6:00 AM. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin naman po ang aming social media accounts at ang aming website, pagasa.gov.ph. At yan lang po ang latest mula dito sa PAGASA Weather Forecasting Center. Ria Torres po. Magandang umaga! Ingat po tayong lahat.