📱

Get Our Mobile App

Take your business learning on the go!

Download on the App StoreGet it on Google Play

Ang Tunay na Sampung Utos ayon kay Apolinario Mabini |Aralin 2.4 Matatag Filipino 8

MAESTRA REJINA9:41

Transcription

Ang tunay na s utos.

Ayon kay Apollinaryo Mabini, kung pakikinggan lang natin ang tinig ng ating mga bayani, baka mas maunlad ang bayan natin ngayon. Isa sa pinakamahalagang tinig, Apolinaryo Mabini. Sa gitna ng kaguluhan at pananakop, isinulat niya ang eldadero dekalugo o ang tunay na s utos.

Pero teka, sino nga ba si Apolinario Mabini? Bakit siya tinawag na dakilang lumpo? Noong 1896, tinamaan siya ng polyo na nagdulot ng paralysis mula baywang pababa. Simula noon, hindi na siya nakalakad at gumamit na lamang ng saklay o upuan. Sa kabila ng kanyang kalagayan, siya ang tinaguriang utak ng himagsikan at unang punong ministro ng unang republika ng Pilipinas. Siya ang sumulat ng konstitusyon ng Malolos at ang Elberdadero dekalugo ang tunay na s utos na nagsilbing moral at makabayang gabay ng mga Pilipino. Bagamat't lumpo sa katawan, siya ay hindi lumpo sa talino at prinsipyo. Siya ang pangunahing tagapayo ni Emilio Aguinaldo at nagsulong ng pamahalaang may katarungan, kalayaan at integridad. Naging inspirasyon siya ng mga Pilipino sapagkat hindi hadlang ang kapansanan sa paglilingkod sa bayan.

Narito ang maikling kasaysayan sa pagkakasulat ng ang tunay na s utos ayon kay Apollinaro Mabini.

Hunyo 12, 1898, ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Hunyo 24, 1898, si Apolinaryo Mabini sa kabila ng pagiging lumpo, isinulat ang elverdadero dekalogo o ang tunay na s utos bilang moral at espiritwal na gabay ng bagong pamahalaan. Hango sa bibliya ang format, ngunit nakatuon sa nasyonalismo, moralidad at pananampalataya ng mga Pilipino. Ipinakalat ang pulyeto sa mga Pilipino upang maging inspirasyon at gabay ng bagong republika at naging pundasyon ng moral at makabayang kaisipan sa panahong iyon at hanggang sa kasalukuyan.

Ang tunay na s utos ayon kay Apollinaryo Mabini.

Una, ibigin mo ang Diyos at ang iyong puri ng lalo sa lahat ng bagay. Ang paghahangad ng puri ang siya lamang makapipigil sa iyo sa pagbubulaan at makapipigil na huwag kang suminsay sa daan ng katwiran at laging pagtaglay ng kasipagan. Para kay Mabini, ang pag-ibig sa Diyos at sa sariling dangal ang pundasyon ng pagkatao. Sa panahon ng Amerikano ito ang nagbigay lakas sa mga Pilipino laban sa pang-aapi at pagsisinungaling. Sa ating panahon, paalala ito na ang integridad at pananampalataya ay dapat manatili sa gitna ng tukso at pagsubok.

Ikalawa, sambahin mo ang Diyos sa kaparaang lalong minamarapat ng iyong bait at kalooban o konsensya. Noong dumating ang mga Amerikano pumasok ang iba't ibang relihiyon sa bansa. Ayon kay Mabini, mahalaga ang kalayaan ng bawat isa na sumamba ayon sa sariling konsyensya. Sa kasalukuyan, paalala ito na dapat igalang ang pananampalataya ng iba para sa kapayapaan ng lipunan.

Ikatlo, dagdagan mong pilit ang talos ng isip at katutubong alam na pinagkaloob ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral at magsumikap ka ng lubos upang sa gawang kinahihiligan ng iyong loob. Upang matipon sa'yo ang lalong maraming kagalingan at sa ganitong paraay makatulong ka sa ikasusulong ng lahat. Sa ilalim ng pamahalaang Amerikano ipinakilala ang pampublikong paaralan at wikang engles. Itinuturo ni Mabini na ang edukasyon ay susi laban sa kamangmangan at pang-aabuso. Sa kasalukuyan, mahalaga pa rin ito para makagawa ng matalinong desisyon at umunlad ang bayan.

Ikaapat, ibigin mo ang iyong inang bayan. Ikalawa sa Diyos at sa iyong puri at higit sa iyong sarili sapagkat siya ang nakaisa paraisong pinaglagyan sa iyo ng Diyos sa buhay na ito. Maraming bayani ang nagsakripisyo ng buhay para sa kalayaan ng bayan noong panahon ng Amerikano. Paalala ni Mabini na ang pag-ibig sa bayan ay higit pa sa sariling interes sa ating panahon. Naipapakita ito sa pagiging tapat, pagtulong sa komunidad at pagreseto sa batas.

Ikalima, pagpilitan mo ang kalayaan ng iyong bayan bago ang iyong sarili, sapagkat kung malaya siya at lalaya rin ikaw at ang iyong kamag-anakan. Para kay Mabini, walang saysay ang sariling kalayaan kung alipin ang buong bayan. Noon, lumaban ang mga Pilipino para sa kalayaan ng lahat. Sa kasalukuyan, paalala ito na dapat unahin ang kapakanal ng bansa bago ang pansariling interes.

Ikaanim, pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan sapagkat ikaw lamang ang tunay na makapagmamasakit sa kanyang ikasusulong at ikatatanghala. Hangad ni Mabini ang pamahalaang sariling atin, hindi kontrolado ng dayuhan. Noon, ito ang naging susi sa pagtatatag ng pamahalaang rebolusyonaryo. Ngayon, mahalaga pa rin ang sariling kakayahan sa ekonomiya at teknolohiya para sa tunay na pag-unlad.

Ikapito, huwag mong kilalanin sa loob ng iyong bayan ang kapangyarihan ng sinumang tao na hindi inilagay ninyong magkakababayan. Ang taong ituro at ihalal ng mga konsyensya ng sangkayanan ang siya lamang makapagtataglay ng tunay na kapangyarihan. Sa panahon ng Amerikano ipinakilala ang demokrasya at halalan. Ayon kay Mabini, ang tunay na kapangyarihan ay nasa mamamayan. Ngayon, ipinapakita natin ito sa pagboto at pakikilahok sa pamahalaan.

Ikawo, ihanap mong pilit ang iyong bayan ng republika. Yaon baga ang lahat ng namamahala ay palagay ng bayan at huwag isipin kailan man ang monarkiya. Ang pagkakaroon baga ng hari. Sapagkat ang hari ay walang binibigyan ng kamahalan kundi isa o ilang angkan lamang. Noon pinamunuan tayo ng monarkiyang Espanyol. Itinuro ni Mabini na republika ang dapat pamahalaang para sa lahat hindi para sa iilan. Sa kasalukuyan mahalaga ang lider na may pananagutan at hindi makasarili.

Ika Siam, ibigin mo ang kapwa mo tao kaparis ng pag-ibig mo sa iyong sarili sapagkat siya'y binigyan ng Diyos at ikaw ay ganoon din naman nang katungkulang tulungan ka at huwag niyang gawin sa iyo ang niya ibig na gawin mo sa kanya. Ngunit kapag ang kapwa mo ay nagkukulang dito at pinagtatangkaang lipulin ang iyong buhay at kalayaan at pag-aari ay dapat mo n ibal at lipulin siya. Sa panahon ng Amerikano nagkaisa ang mga Pilipino laban sa pang-aabuso ng mananakop. Ayon kay Mabini, mahalin ang kapwa ngunit lumaban kung inaapi ang bayan at kalayaan. Ngayon kailangan natin ng pagkakaisa laban sa katiwalian at karahasan.

Ika palalaluin ng kaunti sa loob mo ang iyong kababayan sa iyong kapwa tao. Aariin mong palagi siya na parang isang katoto, kapatid kaya o kasama man lang. Palihas ay iisa ang inyong kapalaran. Iisa din ang inyong tuwa at kapigian. Sinabi ni Mabini na iisa ang kapalaran ng bawat Pilipino. Noon, ito ang naging lakas ng mga rebolusyonaryo laban sa mananakop. Ngayon kailangan pa rin natin ng kabayanihan para sa kaunlaran ng bansa.