📱

Get Our Mobile App

Take your business learning on the go!

Download on the App StoreGet it on Google Play

i-Witness: ‘Walang Maiiwan’, dokumentaryo ni Kara David (full episode)

GMA Public Affairs26:50

Transcription

[Musika] Sa pinakamalayong sityo ng San Guillermo, Isabela, kailangan mo pang bumyahe ng napakalayo para lang makapagturo. [Musika] At kailangan mo pang tumawid ng mapanganib na ilog para lang matuto. [Musika] [Musika] Hindi ito tagpo sa isang bagyo o kalamidad. Papasok lang sila sa [Musika] eskwelahan araw-araw. Ganito ang tubig na sinusuong ng mga estudyante ng Burgos East Elementary School para maitawid ang pangarap na edukasyon. [Musika]

Pero hindi natapos sa ilog ang kalbaryo ng mga bata. Isang oras pang lakad sa maputik na bundok ang kailangan nilang tahakin. [Musika] Kung sa ilog tulong-tulong ang mga bata sa pag-akay sa mga maliliit, sa bundok sabay-sabay rin kung lumakad ang mga [Musika] bata. Kapit [Musika] kamay, walang maiiwan. Katatapos lang ng bagyo noon, madulas pa ang lupa. Pero hindi nagpapigil sa putik ang mga bata. Kahit pa bumigay ang kanilang mga [Musika] tsinelas. Dahil gaano man kalayo o kaputi ang [Musika] daan, walang ang pagod sa batang sab sa [Musika] eskwelahan. Pasado 8 na ng marating ng mga bata ang paaralan. Puro putik at usok ng talahib ang kanilang mga kamay.

"Anong ginagawa ninyo, sir?"

"Linisan po yung mga kuko nila kasi pag kumakain sila."

"Oo, madudumihan. Bale part na po ng klase namin to. Pag ganito pong ah Monday tapos Wednesday, talagang maglilinis kami. Tapos everyday naman yung sugat."

"Ano ba kaya, heal teacher?"

"Hindi po kaya lang eh. Kailangan po, Ma'am eh. Wala naman pong makakas kaso yata masyado sa kanila kaya pag PTA sila dito sa school, tuloy lahat na po halos araw-araw itong ginagawa ni Sir [Musika] Mike."

Habang nagsusulat o nagbabasa ang mga [Musika] bata, ginagamot naman niya ang iba pa nilang kaklase. Ang batang si Marvin ang pang-apat na pasyente ng guro. Tadtad ng sugat ang kanyang mga paa.

"Anong nangyari? Nasugat ka? Nadapa ka ba?"

"Nasugat daw po ng kw, Ma'am. Ng bolo ng bolo."

"Bakit? Anong nangyari kasi p pupunta po yung mga magulang nila sa Uma. Nawan po sila k sila ung kumukuha ng kahoy nila agag nagluluto po sila. Kasi almost one week ganun po silang naiwan sa bahay. Pag kw p nagtatrabaho sa Umay yung kanilang mga magas."

"Ha? Ano daw yun? Na pinutol daw ng kapatid niya, Ma'am? Baka nagan Sila nagsasalitan po sila d sa tsinelas kaya naputol."

"Ah, isa lang ang tsinelas ninyo? Ilan kayong gumagamit doon sa isang tsinelas?"

"Sino ka daw?"

"Gang tsinelas mo?"

"O dalawa daw pa sila ng kapatid niya, Ma'am."

"Ah, dalawa [Musika] kayo."

"Mas mas mas mabisa po sana mga [Musika] gamot. Hindi malamig." [Musika]

Kaya pagdating na recess, diretso si Marvin sa classroom ng kapatid. Oras na para siya naman ang gumamit ng tsinelas. [Musika] Pero hindi lang sa tsinelas may kahati si [Musika] Marvin. Kanin lang ang baon ng mga bata. Ang ulam, hati-hati sa isang lata ng sardinas.

"Pansinin [Musika] niyo sinay nasa sinay. Heto siya. Heto siya. Kumusta? Kumusta? Kumusta? Kumusta?"

Biglang natago. Biglang natago. 32, 34, 36. Sa edad na 10, si Marvin ang pinakamatandang estudyante ng Kinder sa Burgos East Elementary School. Ilang beses na siyang umulit sa Kinder, hindi makapasa dahil palaging absent. 4, 44, 46, 8.

"Bakit absent ka last year?"

"Nag padin ko, sir."

"Bakit ikaw ang nag-aalaga sa kapatid mo?"

"Bunso sa apat na magkakapatid."

Wala ni isa sa mga kuya ni Marvin ang nakatuntong ng Grade 3. [Palakpakan] Sa kanilang sityo, kasi kapag natuto ng magsulat at magbasa ang bata, tigil na sa eskwela. Pinagtatrabaho na sa [Musika] Uma. Mataas ang dropout rate sa Burgos East Elementary [Musika] School.

"Suliranin ng mga guro dito?"

"Ah, yun yung gusto kong ipamulat sa magulang nila na seryoso ang death head. Seryoso kami, taga death head na kumbaga isagawa yung vision, mission ng dapat walang bata na maiiwan. Ah, pananagutan ng lahat yung edukasyon."

"Pares."

"Okay, magkaiba yo."

Si Sir Jun ang nagtuturo sa ilan sa pinakamatalino sa eskwelahan. Tingnan natin, nasa pahambing kaya siya. Pero sa kanyang klase ngayon, may dalawang bakanteng upuan. Dito raw nakaupo si Aquino, ginip ang top one ng eskwelahan. Pero tatlong buwan na siyang hindi pumapasok.

"Saakin talaga yung damdamin na gon na ano, anak ko yung. Sige po, Sir. What? Anak ko yung dalawa na yon. So parang masakit sa loob na halimbawa anak ko yun, nakikita ko yung kaklase nila nagsisipag tapos na. I anak ko naiwan. Ah, sabi ko nga, wala kang babayaran sa school. Ako na magbabayad lahat. Walang babayaran. Anong problema mo? Sabihin mo saakin. Mag-aral ka lang."

4:00 ng hapon, uwian na ng mga bata. Tapos na ang klase, pero hindi pa tapos ang trabaho ng [Musika] Maestro. Imbis na magpahinga, sinamahan ni Sir Jun ang mga bata pauwi. CR crus. Habang si Marvin at ang kanyang kuya, naglakad gamit ang pinaghahatian pares ng tsinelas. [Musika]

Palubog na ang araw ng marating ng mga batang ilog. Mas mataas na ang tubig at mas malakas na rin ang [Palakpakan] agos. Hay, anin kaya ito ni Marvin at ng kanyang mga [Musika] [Palakpakan] kaklase. Muling sinuong ng mga bata ang mapanganib na ilog. Si [Musika] Jen. Ilubog man ng unos, tangayin man ng agos, lumangoy ang mga bata at pilit na isinalba bagay na pinakamahalaga sa kanila. [Musika] [Musika]

Pasado 5 na ng makauwi sa komunidad ang mga bata. Sinundan namin ang batang si Marvin. Nais kasing kausapin ni Sir Jun ang magulang ng bata.

"Magandang araw po."

"Magandang haon po."

Nalaman ni Sir Jun na tumigil na pag-aral ang kuya ni Marvin. Bakit kinumbinsi ang Maestro na pabalikin sa paaralan ang mga bata, pero tumanggi ang kanilang ina. Desisyon raw ng mga bata na magtrabaho at tumulong sa [Musika] pamilya.

Kinabukasan, nagpatuloy si Sir Jun sa paghahanap sa mga nawawala niyang estudyante. Sa kagustuhang mapababa ang dropout rate sa lugar, nagbabahay-bahay ang Maestro para kumbinsihin ang mga magulang na pag-aralin ng kanilang mga anak.

"Lakad na lang tayo. Papunta tayo doon sa bahay ni Aquino. Guib, yun yung isa sa pinakamatalinong estudyante ni Sir Jun. Consistent siya na top one since Grade 1 to Grade 4. Pero ang sabi sa atin ni Sir Jun, panay daw yung absent niya. [Musika] Lately."

Inabot kami ng halos isang oras sa paghahanap sa batang si Aquino. [Musika] Pero n matunton namin ang kanyang bahay, wala ang bata at tatay lamang ang humarap sa amin.

"Kayo po ang tatay?"

"Sa'n po yung anak ninyo, si Aquino?"

"Kas po m siya ang nagalaga ng kalaba kalabaw."

Ma'am, ayon sa ama, ayaw na raw pumasok ng kanyang anak na si Aquino. Kagustuhan raw ng bata na magpastol na lang ng kalabaw. Pero hindi tumigil si sa paliwanag na ito. "Mas mag hanapin na lang po natin."

Sige po. Hinanap namin sa kabilang sityo ang bata at dito namin siya natagpuan sa may sapa. Ayan po, kalabaw. [Palakpakan] Ni si Aquino ang sa klase ni Sir J mula Grade 1 hanggang Grade 4. Matalino raw talaga ang bata. Pero pagtungtong ng Grade 6, sunod-sunod na ang kanyang pag-absent.

"Bakit kasi ak ng kalabaw, Ma'am?"

"Lagi kang nagpapastol ng kalabaw?"

"Ba't ka nagpapastol ng kalabaw?"

"Ayaw kasi yung mga kuya kong magpas ng kalaba."

"Eh ba't hindi si tatay mo ang magtrabaho?"

"Gusto ko lang po naman siyang tulungan, Ma'am."

"Ah, ayaw mo na bang mag-aral? Gusto mo bang mag-aral o ayaw mo?"

"Gusto ko pa po."

"Gusto mong mag-aral?"

Kung ang bata ang tatanungin, mas gusto sana niyang mag-aral kesa magtrabaho. Pero sa puntong ito, mas mahalaga raw ang kapakanan ng pamilya kaya pansariling pangarap.

"Bukas, may klase. Bukas, papasok ka pa bukas?"

"Sain ko sa kuya ko na siya ang magpastol ng kung pumayag ang kuya mo na siya ang magpastol, papasok ka. Pero kapag hindi pumayag ang kuya mo, hindi, hindi ka papasok."

"Natin siya kahit na mismong magulang na niya ung."

"Yes, Ma'am. Yan umaayaw."

"Hindi naman po kayo magulang, pero bakit po kayo yung talagang nagpupursigi na hanapin at hanapin siya?"

"Kwan po yan, Ma'am. Nasa nasa linya na po ng trabaho na dapat walang maiiwan na bata. Maraming magagaling dito, Ma'am. Kaso nga lang, yun ang hindrance sa kanila dito sa trabaho. Yung distance ng school to bahay. Ang daming asing [Musika] alaga."

Pagkatapos kay Aquino, hinanap naman ni Sir Jun ang isa pa niyang nawawalang estudyante.

"Ito naman, atin napupuntahan. Ito yung isa sa mga estudyante ni Sir. Sir, anong pangalan nitong estudyanteng pupuntahan natin?"

"Ricky."

"Ricky. Anong problema dito kay Ricky?"

"Hindi pumapasok."

"Hindi pumapasok? Dalawang linggo na nung nakaraan k ah? Dalawang linggo ng hindi pumapasok."

May Tuberculosis ang buong pamilya ng batang si Ricky. Malikdem, pumanaw na ang kanyang ama at payat na payat naman ang kanyang ina. Kaya ang 14 anyos na si Ricky, napipilitang magtrabaho imbis na mag-aral.

"Ba't di ka na pumasok?"

"Naki agag kami nakura eh. Nakib buras naki an ka."

"Saan? Sa sa Rizal?"

"Palagi ka bang nag-aabsent ha?"

"Naku. Eh ba't ka lagi nag-aabsent?"

"Tumutulong ako sa sa trabaho ng mga magula ko."

"Ah, pero anong mas gusto mo sanang ginagawa? Magtrabaho o mag-aral?"

"Mag-aral sana."

"Kas lang mahirap naman ng buhay."

Bago kami lumisan, nangako si Ricky na papasok kinabukasan.

"Bukas ha? Ling. Sige."

Sana ito magkatotoo. Sana nga magbunga ang pagpupursigi ng kanilang Maestro. [Musika] [Palakpakan] [Musika]

Kinabukasan, matiyagang naghintay si Sir Jun sa pagpasok ng mga bata. Inabangan kck. [Musika] Isang pamilyar na mukha ang [Musika] dumating. Pagkatapos ng dalawang linggo, muling nagbalik sa paaralan ang batang si [Musika] Ricky.

"Pakapon muna." [Musika] "Ari-arian yung bagong Lawin. Kanino tayo dapat magpasalamat? Saan pa? Kanino pa? Sa hangin."

Pero ang tapuan ng eskwelahan, nanatiling bakante ang upuan.

"The girls is beautiful, beautiful, beautifully. Okay, very good. Ricky, yan. When we say the ch, is it the subject or is it the predicate? What part of the sentence is it?"

"Sub. Subject. And and the rest is."

Masaya ang lahat na makitang nagbalik na sa paaralan si Ricky. Pero nang makausap ko siya pagkatapos ng klase, nalaman ko ang tunay na kwento.

"Bakit kailangan mo magtrabaho?"

"Kung hindi naman ako magtrabaho, Ma'am, papagalitan naman din nila ako."

"Papagalitan ka nila?"

"Oo, Ma'am," sabi niya sa akin, "Ma'am na kung hindi daw ako tutulong, lalos na lang ako, Ma'am."

"Paano yung pag-aaral mo? Anong sabi nila tungkol sa pag-aaral mo?"

"Sabi nila, nahih na lang ako, Ma'am. Dependent CL. Hindi keto ang iw kapag hindi at saat ngaya ang."

Malamang hindi siya bumibitaw sa pangarap. Pero kung ikaw ang may desisyon, anong mas gusto mo?

"Sana magaral."

"Gusto mo sana magaral?"

"Bakit gusto magaral?"

"Mahirap na walang pinagaralan."

"Ano ang pangarap mo?"

"Gusto kong p sa Tagalog yan. Hindi siya nakapag-iisa."

"Masaya po sa kwan yan. Masaya po sa damdamin kasi nga ah nakapagsabi ng isang estudyante na dapat nak karapat-dapat. Ala ma-save m. Yun po yung kwan po namin. Yung iba nga, tingan niyo, nakita niyo kung gaano sila lumusong sa tubig. Kinakaya pumunta dito eh. Doun pa lang masaya na kami. Masaya na kami doon na ano na maraming pumapasok. Maski yung sitwasyon sa daan. Ganon [Musika] talaga."

Pagdating ng tanghali, tulong-tulong ng nagluto ang mga nanay at guro para lalong mahikayat ang mga bata na manatili sa paaralan. Nagbibigay sila ng libreng pananghalian. [Musika] Sa sandaling panahon sa loob ng paaralan, nalilimutan ng mga bata ang hirap ng pagtatrabaho at araw-araw na kalbaryo. [Musika]

Taon-taon, mahigit isang milyong batang Pilipino ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Marigatan kay ko kung damdam anong mo. Pero salamat sa pagpupursigi ng mga guro tulad ni Sir June, kahit papaano nababawasan ang bilang na ito.

"Pero bakit niyo pa rin po ginagawa? Hindi naman po madadagdagan yung sweldo ninyo doon."

"Hindi ko rin po alam. Bakit kasi sa amin, hindi importante yung sweldo. Ang importante doon is makapagsilbi kami sa sa dito kasi ayon sa sinumpa namin, dapat lahat ng bata, ano man ng kulay, ano man ng race niya, ano man ang pagkatao niya, dapat maturuan. [Musika] Dapat."

Madaling mawalan ng pag-asa sa mahaba at maputik na daan. Madaling mawalan ng loob sa mahirap at marahas na mundo. Pero hangga't may mga batang handang tawirin ang agos at unos, hangga't may mga gurong handang magsakripisyo sa ngalan ng [Musika] serbisyo, may pag-asa sa gitna ng kawalan. At buhay ang pangakong walang bata maiiwan.

"Yun yung naging inspirasyon namin na kung estudyante nakukuhang pumasok pagkalayo-layo niyan, then kayo, kami pa." [Palakpakan] [Musika]

Kay Ako po si David, at ito po ang Eye Witness. [Musika]