📱

Get Our Mobile App

Take your business learning on the go!

Download on the App StoreGet it on Google Play

Pagsulat ng Rebyu ng Pelikula

MJ Mejia TV5:25

Transcription

Magandang araw. Ngayon pag-uusapan natin ang pagsulat ng review ng isang pelikula. Ano nga ba ang pagre-review?

Ang pagre-review o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula kung saan ang mga manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan, maging sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula.

Ang mga sumusunod na mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula.

Una, ang kwento. Ito ay tumutukoy sa istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng pelikula, pagtotuan ng pansin ang mga sumusunod na tanong. Una, bago o luma ba ang istorya? Ikalawa, ito ba ordinaryo o gasgas na at nauulit na rin sa ibang pelikula? Ikatlo, malinaw ba ang pagkakalaha ng istorya? At ang ikaapat, nakapupukaw ba ito ng interes?

Ikalawang elemento, ang tema. Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula. Narito ang mga katanungan na maaari mong gamitin sa pagsusuri ng tema. Napapanahon ba ang paksa? Malakas ba ang dating o impact sa manonood at ito ba ay nakatitimo sa maisip at puso? Akma ba ang tema sa panahon kung kailan ito nagawa? O akma ba sa lahat ng panahon?

Ikatlong elemento, ang pamagat. Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula. Ito ba ay angkop sa pelikula? Nakatatawag ba ito ng pansin? O meron ba itong simbolo o pahiwatig?

Ang ikaapat na elemento, ang tauhan. Ang mga karakter na gumaganap o nagbibigay buhay sa kwento ng pelikula. Narito ang mga katanungan na maaari mong gamitin sa pagsusuri ng tauhan. Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Makatotohanan ba ang mga ito? Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?

Dialogo o dialog. Ito naman ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kwento. Maaari mong tanungin, naiisang alang-alang ba ang uri ng lenggwaheng ginamit ng mga tauhan sa kwento? Matino, bulgar? Unaa ba ang mga ginamit na salita sa kabuuan ng pelikula? Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?

Ikaanim na elemento ang cinematograpya. Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula. Mahusay ba ang anggulong kinunan o tama ba ang timpla ng ilaw batay sa mga pangyayari o sitwasyon?

Ikapito, iba pang aspektong teknikal. Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit ng eksena, special effects at editing. Ma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula? Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala bang bahaging parang putol? Akma ba o makatotohanan ba ang special effects? Blastings, pagkawala, pagliit o paglaki ng bagay? Animasyon, makeup ng artista, paggamit ng computer graphics at iba pa.

Sa pamamagitan ng mga elementong natalakay ay maaari ding makitang istilong ginamit sa pelikula. Halimbawa, sa pagsusuri ng kwento, tema at sinematograiya ay mababakas ba kung ang stilong ginamit ay makaluma o makabago? Masasabi bang ito ay isang dokumentaryo, klasikal o makaluma? Moderno o isang sci-fi na pelikula?

Ito ang mga elemento na kailangan nating makita sa pagre-review o pagsusuri ng isang pelikula.