Transcription
[Musika] Magandang umaga po sa ating lahat. Narito ang ating weather update para sa araw ng Huwebes, March 27, 2025.
Sa ngayon, meron tayong binabantayang low pressure area dito sa loob ng ating Philippine area of responsibility. Ito'y huling namataan sa layong 220 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur. Sa ngayon, nananatili naman mababa ang tsansa nito na maging isang ganap na bagyo, pero inaasahan po natin magdadala ito ng mga pag-ulan, lalo na po dito sa may Bisayas at Mindanao. Samantala, meron pa rin tayong Easterlies, o yung mainit at maalinsangan na hangin na nanggagaling sa Dagat Pasipiko, na umiiral dito sa may Luzon. Inaasahan po natin magdadala rin po ito ng mainit na panahon para sa magiging panahon natin ngayong araw. Makakaranas tayo dito sa Luzon ng mainit at maalinsangan na tanghali hanggang hapon, na may mga isolated rain showers, o mga panandaliang pag-ulan, dulot ng mga localized thunderstorm. Pagdating sa hapon at sa gabi:
Agwat ng temperatura:
For Metro Manila: 25 to 34° Cel
Tuguegarao: 25 to 32° Cel
Baguio: 17 to 26° Cel
Legaspi: 24 to 32° Cel
Tagaytay: 22 to 33° Cel
Para naman dito sa Visayas, pati na rin dito sa may Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region, inaasahan po natin makakaranas sila ng maulap na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan. Dulot po ito ng itong low pressure area sa loob ng ating Philippine area of responsibility. Sa mga susunod na araw, inaasahan din po natin magdadala pa rin po ito ng mga pag-ulan, lalo na po dito sa kabisayaan natin, at possible din po magdala ng mga pag-ulan dito sa may Palawan.
Agwat ng temperatura:
Kalayaan Islands at Puerto Princesa: 25 to 33° Cel
Iloilo: 25 to 32° Cel
Cebu: 25 to 31° Cel
Tacloban: 24 to 31° Cel
Cagayan de Oro: 25 to 31° Cel
Zamboanga at Davao: 25 to 33° Cel
Para naman sa ating heat index kahapon:
Sa Metro Manila, nakapagtala tayo ng 36 to 39° Cel. At ang pinakamataas po natin naitala ay dito po sa Dagupan City, Pangasinan, with 46° Cel. 44° Cel naman dito sa may Tuguegarao City, Cagayan; 43° Cel dito sa may Butuan City, Agusan del Norte; at 42° Cel dito sa may Legaspi, Albay; Virac, Catanduanes; at Pili, Camarines Sur.
Para naman sa ating forecast ngayong araw ng heat index:
Sa Metro Manila, asahan po natin ng 37 to 38° Cel. At nananatili ang pinakamataas na possible nating maitala ay dito pa rin sa may Dagupan City, Pangasinan, with 47° Cel. 43° Cel naman dito sa may Tuguegarao City, Cagayan; Virac, Catanduanes; Pili, Camarines Sur; Butuan City, Agusan del Norte; at 42° Cel naman dito sa may Legaspi, Albay. So, makikita po natin, danger level po ito. So, mga kababayan po natin, pag-iingat lang din po dahil po nitong init ng ating panahon. Ugaliin pong uminom ng tubig at stay indoors na lang din po kung kakayanin pagdating po ng tanghali o hapon po natin.
Wala tayong nakataas na anumang gale warning sa anumang seaboards ng ating bansa. Ang sunrise mamaya ay 5:55 AM at ang sunset mamaya ay 6:08 PM. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming mga social media pages at ang aming website pagasa.gov.ph. At yan po muna ang latest dito sa PAGASA Weather Forecasting Center. Chel Dominguez po, at magandang umaga.