Transcription
[Musika] Magandang umaga po sa ating lahat. Narito po ang ating weather update para sa araw ng Huwebes, April 3, 2025. Wala pa rin tayong mino-monitor na anumang bagyo o low pressure area sa loob at labas ng ating Philippine Area of Responsibility na possible makaapekto dito sa ating bansa sa mga susunod na araw. Pero meron tayong dalawang weather system na nakakaapekto dito sa ating bansa. Una na dito ang northeasterly wind flow na umiiral dito sa may Northern Luzon. Samantala, meron din tayong Easterlies o yung mainit at maalinsangan na hangin na nanggagaling sa Dagat Pasipiko na umiiral dito sa malaking bahagi ng ating bansa. Ito rin po yung nagdadala sa atin ng mainit at maalinsangan na panahon.
Para sa magiging panahon natin ngayong araw, inaasahan po natin dito sa may Cagayan Valley, Kalinga, Mountain Province, Aurora ay makakaranas po sila ng maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan. Dulot po ito nitong northeasterly wind flow. Para naman sa nalalabing bahagi ng Luzon, inaasahan naman po natin ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin. Pero asahan din po natin, magiging mainit at maalinsangan ang ating tanghali hanggang hapon na may mga tansa po ng mga isolated rain showers o mga panandaliang pag-ulan dulot ng mga localized thunderstorm pagdating sa hapon at sa gabi.
Agwat ng temperatura: for Metro Manila, 26 to 32° Celsius; Lagaw, 24 to 33° Celsius; for Tagaytay, asahan natin ng 23 to 31° Celsius; Baguio, 17 to 25° Celsius; for Tagaytay, asahan natin ng 24 to 30° Celsius; at Legazpi, 25 to 32° Celsius. Para naman dito sa may Palawan, Visayas at Mindanao, inaasahan po natin magiging maaliwalas ang panahon, pero asahan din po natin yung mainit na panahon. Pero dito po sa Bisayas at Mindanao, mataas po ang tiyansa ng mga localized thunderstorm lalo na po sa hapon at sa gabi. Dulot po ito ng Easterlies.
Agwat ng temperatura: for Kalayaan Islands at Puerto Princesa, 25 to 33° Celsius; asahan natin sa Iloilo, ang 24 to 33° Celsius; Tacloban, 25 to 33° Celsius; for Cebu, 26 to 32° Celsius; Zamboanga, 24 to 34° Celsius; Cagayan de Oro, 25 to 32° Celsius; at Davao, 25 to 33° Celsius. Para naman sa ating heat index kahapon dito sa Metro Manila, nakapagdala po tayo ng 38 to 38 at 36° Celsius. Dito po ito sa UP at Science Garden respectively. Ang pinakamataas po nating naitala kahapon ay dito sa Iba, Zambales with 46° Celsius. Sinundan po ito sa Virac, Catanduanes with 44° Celsius; Iloilo City, 42° Celsius; at Cotabato City, Maguindanao, 42° Celsius.
Para naman sa ating forecast na heat index ngayong araw dito sa Metro Manila, asahan po natin ang 36 to 37° na heat index. Sa Iba, Zambales pa rin po ang pinakamataas, kasama na rin po dito sa may Virac, Catanduanes with 43° Celsius. Kung makikita po natin, danger level po ito, so ibayong pag-iingat po para sa ating mga kababayan dulot po nitong init ng panahon. Wala rin tayong nakataas na anumang gale warning sa anumang seaboards po ng ating bansa kaya malayo ang makakapal laot ang ating mga kababayan na mangingisda. Ang sunrise mamaya ay 5:51 a.m. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming mga social media pages at ang aming website PAGASA.dost.gov.ph. At yan po muna ang latest dito sa PAGASA Weather Forecasting Center. Chanel Dominguez po at magandang umaga.